^

Metro

Contractual at regular employees sa Quezon City hall, tatanggap na ng taas sahod ngayong Enero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatanggap na ng taas sahod ang lahat ng empleyado ng Quezon City hall, regular man o contractual mula ngayong buwan ng Enero.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang hakbang ay reporma ng lokal na pamahalaan hinggil sa salary program at tuloy maipatupad ang itinakdang wage rate ng Department of Labor and Employment (DOLE)

“I was happy to announce that QC will be one of the LGUs that will strictly abide by the law of giving minimum wage to all its employees star­ting this month-both contractual and regular employees” pahayag ni Mayor Belmonte sa kanyang mensahe sa flag raising ceremony kahapon.

Ang lahat ng  contractual personnel at job order employees na nasa ilalim ng  executive department na tumatanggap ng mas mababa sa  minimum pay ay bibigyan ng sahod na P590 per day o may kabuuang  P13,000 per month alinsunod sa itinatakda ng DOLE.

“It is high time that we raise the salary of our employees who are tirelessly working for our constituents. It is their right to be entitled to what is indicated in the law,” dagdag ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na ang desisyon ay ginawa makaraang mapag-aralan ang city hall’s roster of human resources at madiskubre na ilan sa mga empleyado ay tumatanggap pa ng mas mababa sa minimum pay kahit na nagtatrabaho ng may 40 oras o higit pa sa isang linggo lalo na yaong mga  community health workers.

May 4,667 non-plantilla contractual at job order personnel mula sa executive branch ng city hall an mabebenepisyuhan ng taas sahod. 

May P152 milyon ang inilaan ng QC government para sa taas sahod ng mga manggagawa ng QC hall.

SALARY INCREASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with