^

Metro

300 pamilya nasunugan sa Pandacan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
300 pamilya nasunugan sa Pandacan
Batay sa spot report mula sa Manila Fire District, isang two-storey residential apartment ang pinagmulan ng apoy na kumalat sa mga katabing bahay sa Barangay 833, Pandacan, Maynila dakong alas -9:55 ng umaga.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Isa ang nasaktan dahil sa tinamong second degree burn sa sunog na tumupok sa tinatayang 150 kabahayan sa isang residential area, sa Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga.

Batay sa spot report mula sa Manila Fire District, isang two-storey residential apartment ang pinagmulan ng apoy na kumalat sa mga katabing bahay sa Barangay 833, Pandacan, Maynila dakong alas -9:55 ng umaga.

Mabilis na umakyat sa ika-5 alarma ang sunog makalipas ang  kalahating oras, bandang alas-10:26 ng umaga.

Masikip umano ang mga daanan kaya’t nahirapan ang mga trak ng  bumbero na pumasok sa erya ng nasusunog na barangay. Naubusan din umano ng tubig ang ilang trak ng bumbero habang ang mga residente din naghakot ng tubig para makatulong sa pag-apula ng apoy at mapigilan ang pagkadamay pa ng ibang kabahayan.

 Tinatayang nasa 300 pamilya ang naapektuhan ng sunog at napinsala naman ang nasa P2-milyong ari-arian.

 Sa inisyal na ulat mula kay Fire Senior Supt. Rudolfo P. Denaga, incident commander, sumiklab ang apoy mula sa kusina ng ground floor ng isang apartment.

Dakong alas-11:57 ng  tanghali ay naideklara nang fire under control.

Isang lalaki na kinilalang si John Cacho ang naisugod sa pagamutan dahil sa lapnos o second degree burn.

JOHN CACHO

MANILA FIRE DISTRICT

RUDOLFO P. DENAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with