Sa pagkamatay ni Eddie Garcia GMA-7, pinagbabayad ng DOLE
MANILA, Philippines — Pinagbabayad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang GMA Network Inc. ng P890,000 sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.
Ayon sa National Capital Region (NCR) office ng DOLE, nilabag ng naturang network ang tatlong kasunduan.
Kabilang dito ang hindi paghahain ng work accident o illness report sa loob ng 24 oras, kulang ito sa safety officer at panghuli ang kakulangan din nito sa first aid personnel sa lokasyon ng shooting.
Batay kay DOLE-NCR Regional Director Sarah Mirasol, naghain na ang GMA ng apela sa desisyon at iaakyat din kay Labor Secretary Silvestre Bello.
Dagdag pa ni Mirasol, iginigiit ng GMA na si Garcia ay hindi sakop ng kanilang empleyado.
“We are implementing or imposing is it’s a work site kasi, ‘yun ang aming contention. So there must be a compliance to the provisions of Occupational Safety and Health Standards, even in temporary work locations,” saad ni Mirasol. Buwan ng Hunyo ng sumakabilang buhay ang beteranong aktor matapos ang isang aksidente habang nagso-shooting ng isang teleserye sa nasabing network.
- Latest