MANILA, Philippines — Ibinasura na ang anggulong arson sa naganap na sunog sa Star City matapos mapatunayan sa imbestigasyon na electrical dahil sa nag-overheat ang ilaw ng sanhi nito.
Sa ipinalabas na pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP), sinabi ni Spokeperson Gerrandie Agonos na nagmula sa uminit na ballast ng fluorescent sa compound ng dahilan ng pagkakaroon ng apoy na kumalat sa entertainment city compound noong Oktubre 2, 2019.
Isinantabi na ang isyu na may arsonistang gumawa dahil sa na-trace na gasolina at bulak na posibleng dahilan umano ng sunog.
Dahil umano sa pag-init ng fluorescent lamp ay umapoy ito at nadikit pa sa nakasabit na artificial plants at stuffed toys.
Ang resultang ito ay mula umano sa inilabas na imbestigasyon ng Interagency Anti-Arson Task Force at hindi ang initial findings noon ni Pasay City Fire Marshal Supt. Paul Pili.
Una nang itinanggi ng Star City management ang naunang statement ng Pasay City Fire dahil wala umanong motibo ang kanilang pamunuan para gawin ito.
Bukod sa tinatayang P15-milyong napinsala sa Star City, malaking halaga na kikitain sana ngayong holidays ang nawala sa kanila, ayon sa pamunuan.