MANILA, Philippines — Mga batikan at kilalang Pinoy photographers at dalawang taga-ibang bansa ang mga speakers sa Photoworld Asia 2020 na idaraos sa Enero 30 – Peb 4, 2020 sa lungsod ng Makati.
Ipinahayag ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF), organizer ng pinakamalaking photography event sa bansa, ang pagdaraos ng Photoworld Asia 2020 ay siyang ika-34 edisyon ng taunang pandaigdig na pagtitipon ng mga photographer at photography trade show.
Ang mga speaker ay ang mga sumusunod: Rey Ventura na ang paksa ay Creating Professional Quality Wild Life Images with Field-tested Techniques; Stuart Dee, mula Canada, Travel Photography; Edwin Tuyay, My Life After Photojournalism; Alex Ruelo, Hybrid Photo/Video; Dariel and Catherine Quiogue, Seeking Zen; Betty Lalana, The Wild Side of Photography: Animal Wildlife and Pet Photography; Chris Magsino, Finding Your Passion in Photography; Amos Manlangit, A Blast From the Past: Peeking into the Arts of the Future; Edwin Suson, Jumpstart Your Financial Future; Mike Sia, Wedding & Lifestyle; Pepe Diokno, Video/Cinematography; Dalareich Polot, Social Entrepreneurship; Sarah Black, Fashion/Lifestyle; and Gaurav Chadha, mula India, Travel Photography.
Si Engr. James Singaldor ng Samahang Litratista ng Rizal (SLR) ang PWA 2020 chairman, isang multi-awarded photographer.
Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, tel. 8524-7576/8524-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.