MANILA, Philippines — Mahigit sa 150 katutubo na namamasko sa mga lansangan ang sinagip ng mga tauhan ng Quezon City Task Force Disiplina.
Ito’y matapos na magdagsaan ang mga pamilyang katutubo simula pa noong Disyembre 18 na mula sa Lucena, Quezon at maging sa Zambales para mamalimos sa Metro Manila.
Ayon kay Rannie Ludovica, QC Task Force Disiplina, delikado ang ginagawa ng mga katutubo sa lansangan lalo na nga’t may bitbit pang mga sanggol at bata.
Ayon sa mga katutubo, uuwi naman umano sila ngayong Pasko at nais lang nila madagdagan ang kanilang kita at panggastos para na rin sa mga bata.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na bibigyan nila ng tulong ang mga pamilyang nasagip bago sila pauwian sa kanilang mga lalawigan.
Pansamantalang dinala ang mga katutubo sa covered vourt ng Brgy. Batasan Hills para sa isasagawang profiling ng DSWD.