^

Metro

Shabu lab sa condo ni-raid, Koreano timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Shabu lab sa condo ni-raid, Koreano timbog
Kinilala ni NCRPO Acting Director, P/BGen. Debold Sinas ang nadakip na si Jung­kil Kim, alyas Joseph, 57 at nanunuluyan sa isang condominium sa Nueva Vizcaya Street cor. Misamis Street, Brgy. Sto. Cristo, ng naturang lungsod.
The STAR/File

QUEZON CITY, Philippines — Isang shabu laboratory ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang condominium unit na nagresulta sa pagkakadakip sa isang hinihinalang chemist na Korean national sa Quezon City,  kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni NCRPO Acting Director, P/BGen. Debold Sinas ang nadakip na si Jung­kil Kim, alyas Joseph, 57 at nanunuluyan sa isang condominium sa Nueva Vizcaya Street cor. Misamis Street, Brgy. Sto. Cristo, ng naturang lungsod.

Sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng NCRPO, Manila Police District, Quezon City Police District at NBI ang naturang condo unit dakong alas-3 kamakalawa ng hapon  makaraang magpositibo sa kanilang intelligence gathering na may minimintina rito na shabu laboratory.

Agad na nakakuha ang mga awtoridad ng search warrant sa kor­te at isinagawa ang pagsalakay kung saan ta­nging si Kim ang naabutan sa naturang kuwarto.  Sinabi ni Sinas na maaaring isang chemist si Kim na siyang nakatala na tenant ng unit.

Narekober ng mga awtoridad sa loob ng condo unit ang 11 pakete na naglalaman ng puting ‘crystalline subs­tance’ at isang pakete ng brown substance na pinaniniwalaang ile­gal na droga, mga bote ng iquid chemicals, limang bote ng acetone, iba’t ibang equipment, kalan,  iba pang solidong substance at mga drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ng raiding team ang mga nakumpiskang kemikal at mga kagamitan habang hahawakan ng NBI ang imbestigasyon sa naturang kaso.

DEBOLD SINAS

JUNG­KIL KIM

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with