^

Metro

Pekeng SEA Games supervisor, kalaboso sa panggagantso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng SEA Games supervisor, kalaboso sa panggagantso
Kinilala ni Makati City Police chief, Col. Rogelio Simon ang naaresto na si Rhoderick Malubago, sa Batangas St., Brgy. San Isidro, ng naturang lungsod.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Bumagsak  sa kulungan ang isang 48-anyos na lalaki na nagpanggap na opisyal sa komite ng Southeast Asian Games (SEAG) at nagawang makatangay ng pera buhat sa mga nasunugang residente sa isang barangay sa Makati makaraang pangakuan niya ng trabaho kaugnay ng nagaganap na palaro.

Kinilala ni Makati City Police chief, Col. Rogelio Simon ang naaresto na si Rhoderick Malubago, sa Batangas St., Brgy. San Isidro, ng naturang lungsod.

Sinampahan siya ng kasong swindling/estafa ng kanyang mga biktima na sina Marlina Azur, 59; Roland Palapus, 34, jeepney driver; Lorenze Manigbas, 33; Grace Garalde, 56; Arnele Magaso, 35 at Ronald Bellen, 34, sidecar boy, pawang mga nasunugang residente sa Sansibar Street, Brgy. San Isidro.

Sa salaysay ng mga biktima sa pulisya, unang lumapit sa kanila ang suspek sa kanilang tinutulu­yang evacuation site at nagpakilalang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Admin Officer ng ginaganap na SEA Games.  Inalok sila ng suspek ng trabaho bilang messenger sa SEA Games na may P20,000 suweldo habang pinangakuan din na gagawing benepisaryo ng ‘housing project’ ng PSC.

Ngunit kapalit nito, nanghingi si Malubago ng tig-P10,000 sa mga biktima upang maproseso umano ang trabaho at ang pagpapatala sa kanila sa housing project. 

Nang maibigay ang pera, hindi na nagpakita si Malubago at hindi na rin kumontak dahilan para humingi na ng saklolo sa pulisya ang mga biktima. Alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin ng mga pulis sa kanyang bahay si Malubago. 

Nabatid na suot pa nito ang umano’y uniporme ng SEA Games na gamit niya tuwing nanghihikayat siya ng maloloko.

Paliwanag ng suspek, may pinagdadaanan siya na problema sa pera kaya niya nagawa na makapanloko. Nakaditine ngayon ang suspek sa Makati City Police Detention Center.

RHODERICK MALUBAGO

ROGELIO SIMON

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with