^

Metro

Seguridad ng mga atleta, tinutukan ng NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Seguridad ng mga atleta, tinutukan ng NCRPO
nang naglabas si NCRPO Director, PBGen Debold Sinas ng mga hakbang para sa mga pulis ng Metro Manila na gagawin sa kasagsagan ng bagyo.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Isa sa pangu­nahing tinutukan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang seguridad ng mga lokal at dayuhang atleta na kalahok sa Southeast Asian Games (SEAG) sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’ sa bansa.

Unang naglabas si NCRPO Director, PBGen Debold Sinas ng mga hakbang para sa mga pulis ng Metro Manila na gagawin sa kasagsagan ng bagyo.

Isa dito ang pagtiyak na ‘all accounted’ ang lahat ng mga delegado, at mga atleta sa kani-kanilang tinutuluyang hotel o ibang billeting area; tiyakin na walang lalabas sa billeting areas habang nasa kasagsagan ng bagyo at ibigay ng mga security personnel ang kanilang contact numbers sa mga atleta at delegado para madali silang makontak sa oras ng pangangailangan.

Inatasan din niya ang mga tauhan na tiyak na ‘secure’ ang lahat ng assets sa mga venues; baklasin ang lahat ng tents, tarpaulins at signages na maaaring tangayin ng hangin; tiyakin na may sapat na suplay ng pagkain, tubig, flashlights at emergency kits na la­ging nakahanda; at tiyakin na may gumaganang generator na tatagal ng dalawang araw sa mga billeting areas.

 Pinaalalahanan din niya ang mga tauhan na manatili sa loob ng kanilang billeting area, palagiang nakaantabay sa pinakasariwang ulat-panahon, regular na maki­pag-ugnayan sa Command Group at huwag sumuong sa baha.

Kapag tapos na ang bagyo, sinabi ni Sinas na dapat tiyakin ng kanilang mga tauhan na malinis at walang sira ang venue na pagdarausan ng mga laro at kung masisira ng bagyo ay dapat iulat agad sa nakatataas para agad na maaksyunan.

Nag-inspeksyon din si Sinas kahapon para matiyak na lahat ng kanilang mga tauhan ay may kapote at may radyo at baterya para sa mabilisang komunikasyon.

DEBOLD SINAS

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with