MANILA, Philippines — Nasa 1,672 katao mula sa Isla Puting Bato at Baseco ang inilikas mula sa pananalasa ng bagyong Tisoy.
Batay sa report ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office dakong alas-3:09 ng hapon nang puwersahang ilikas ang pamilya at dinala sa Baseco Center , sa Delpan Center at sa Happy Land.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, agad niyang inutos ang force evacuation ng mga residenteng nakatira sa tabi ng ilog sa posibilidad na mas malakas pang hangin ang bumayo.
Mabilis namang rumesponde ang Manila Department of Social Welfare para sa.mga evacuees partikular sa mga matatanda at bata na nakikipaglaban sa lamig ng panahon..
Pinapanatag naman ni Moreno ang mga evacuees nang tiyakin nito na ang lahat ng pangangailangan ng mga ito ay matutugunan.
Samantala, pinamomonitor din ni Moreno sa MDRRMO ang iba pang mga squatters area na posibleng maapektuhan ng lakas ni Tisoy.
Aniya, oras oras ay may update dapat ang mga Manila Responders.