^

Metro

1,672 Manilenyo inilikas sa paghagupit ni Tisoy

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
1,672 Manilenyo inilikas sa paghagupit ni Tisoy
Batay sa report ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office dakong alas-3:09 ng hapon nang puwersahang ilikas ang pamilya at dinala sa Baseco Center , sa Delpan Center at sa Happy Land.
AFP/Razvale Sayat

MANILA, Philippines — Nasa 1,672 katao mula sa  Isla Puting Bato at Baseco ang inilikas mula sa pananalasa ng bagyong Tisoy.

Batay sa  report ng Manila  Disaster Risk Reduction Management Office  dakong alas-3:09 ng hapon nang puwersahang ilikas ang pamilya at dinala   sa Baseco Center , sa  Delpan Center at  sa Happy Land.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno,  agad niyang inutos ang force evacuation ng mga residenteng nakatira sa tabi ng ilog sa posibilidad na mas malakas pang hangin ang bumayo.

Mabilis namang rumesponde ang Manila Department of Social Welfare  para sa.mga  evacuees partikular sa mga matatanda at bata na nakikipaglaban sa lamig ng panahon..

Pinapanatag naman ni Moreno ang mga evacuees  nang tiyakin nito na ang lahat ng pangangailangan ng mga ito ay matutugunan.

Samantala,  pinamomonitor din ni Moreno sa MDRRMO ang iba pang mga squatters area na posibleng maapektuhan ng lakas ni Tisoy.

Aniya, oras oras ay may update dapat ang mga Manila Responders.

MANILA DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

TISOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with