579 baragays. sa Metro Manila lumulubog sa baha

Sa 14 na lungsod, pina­kamaraming barangay na bahain ang Maynila na may 215, kasunod ang Pasay City na may 121, Quezon City na may 62, Makati na may 30, Pasig na may 28, Las Piñas na may 21, Mandaluyong na may 20, Caloocan na may 17, Taguig na may 16, Para­ñaque na may 15, Marikina na may 14, Pateros na may 10, Muntinlupa na may 9, at San Juan na may isang barangay na binabaha.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aabot sa 579 mga barangay sa National Capital Region (NCR) ang tinukoy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ‘flood prone’ o palagiang binabaha tuwing may pumapasok na bagyo base sa datos ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources. 

Sa 14 na lungsod, pina­kamaraming barangay na bahain ang Maynila na may 215, kasunod ang Pasay City na may 121, Quezon City na may 62, Makati na may 30, Pasig na may 28, Las Piñas na may 21, Mandaluyong na may 20, Caloocan na may 17, Taguig na may 16, Para­ñaque na may 15, Marikina na may 14, Pateros na may 10, Muntinlupa na may 9, at San Juan na may isang barangay na binabaha.

Sa kabila nito, ipinagmalaki naman ni MMDA general manager Jojo Garcia na palagian silang nagsasagawa ng ‘declogging system’ sa mga imburnal para paghandaan ang mga bagyo.

Tiniyak niya na handa ang MMDA sa pagpasok sa Metro Manila ng bagyong Tisoy habang nakaantabay ang lahat ng 61 pumping stations na lahat umanoý gumagana. Inaasahan na kung magkakabaha man ay bababa kaagad ito sa loob lang ng 30 minuto.

“We are 100-percent prepared for typhoon Tisoy. As a matter of fact, we have already activated the four quadrants in the metro to facilitate a more efficient response when emergency situations arise during typhoon,” ani Garcia.

May apat na quadrants ang kanilang inilatag para sa preparasyon sa bagyo. Kabilang dito ang North Quadrant na binubuo ng Quezon City, Caloocan, Valenzuela at San Juan; South Quadrant na binubuo naman ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, at Ta­guig; East Quadrant na binubuo naman ng  Marikina at  Pasig City habang ang West Quadrant ay ang Navotas, Malabon at Maynila.

Show comments