MANILA, Philippines – Personal na pinangu- nahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapasara sa bus depot ng Baliwag Management Corporation sa North Avenue kasama ang mga opisyales ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kahapon.
Ang pagpapasara ayon pa kay Mayor Belmonte ay sa dahilang ginagamit ng naturang bus terminal ng Baliwag ang pasilidad nang walang kaukulang permit at paglabag sa QC Revenue Code partikular na ang kawalan ng Special Use Permit mula sa Business Permit and Licensing Department ng QC Hall at walang traffic clearance mula sa Department of Public Order and Safety ng QC government.
“Itong garahe nila ay hindi puwedeng gamitin dahil walang permit, ang pinapakita lamang na dokumento dito ay yung locational clearance nila na permit ng kanilang EDSA-E Rodriguez Terminal, so palusot nila yan,” pahayag ni Belmonte.
Ang naturang garahe ay gamit na babaan at sakayan ng mga pasahero ng naturang bus company mula sa Norte.
Ilan anya sa kakahara-ping kaso ng may-ari ng Baliwag ay ang paglabag sa Zoning Ordinance, falsifi-cation of public documents at iba pa.
Kaugnay nito, inatasan na rin ni Belmonte si BPLD head Margie Santos na suriin at tingnan ang lahat ng bus terminals sa lungsod para matiyak na ang lahat ng ganitong negosyo ay may sapat na dokumento para magpatuloy ng operasyon.
Sinabi rin nito na handa ring ipatawag ang may-ari ng Baliwag Management Corporation na si Joselito Tengco upang hingan ng paliwanag kung bakit ginawa ang paglabag sa local ordinance.