Indian national at kaibigang Pinoy huli sa baril at droga

Ayon kay Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo, inaresto ng mga tauhan ng Eastwood Police Station (PS 12) at Batasan Police Station (PS 6) ang mga suspek na sina Gurpreet Singh, alyas Sight, 40, Indian national, cellphone technician, ng Brgy. Holy Spirit at kaibigan nitong si Jojo Devera, alyas Jaime, 32, ng Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
File

MANILA, Philippines – Isang Indian national at kaibigan nitong Pinoy ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa pag-iingat ng shabu at baril sa ikinasang joint buy bust operation sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City ka­makalawa ng gabi.

Ayon kay Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo, inaresto ng mga tauhan ng Eastwood Police Station (PS 12) at Batasan Police Station (PS 6) ang mga suspek na sina Gurpreet Singh, alyas Sight, 40, Indian national, cellphone technician, ng Brgy. Holy Spirit at kaibigan nitong si Jojo Devera,  alyas Jaime, 32, ng Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Nabatid na bago ang pag-aresto ay nakatanggap ang mga anti-drug operatives ng PS 12 ng reliable information hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek sa Brgy. Bagumbayan kaya’t isinailalim ito sa masusing monitoring at surveillance.

Dakong alas-7:30 ng gabi kamakalawa nang mag­ka- sa ng joint operation ang mga Drug Enforcement Units (DEU) ng PS 12 at PS 6 sa 22 Dalton St., Brgy. Holy Spirit na nag­resulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang humigit kumulang na 18 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P122,400, dalawang cal. 38 revolvers na walang serial numbers, 10 live ammunition at isang digital weighing scale.

 

Show comments