MANILA, Philippines — Ang Golden Treasure Skills and Development Program ay magdaraos ng seminar sa paggawa ng mga native kakanin. Ito ay gaganapin sa Golden Treasure Skills Training Center sa 9 Anonas Rd., Proj. 3, Quezon City. sa ika- 8 ng Nobyembre, Biyernes sa ganap na alas -10 ng umaga hanggang alas- 6 ng gabi.
Sa naturing seminar doon ay magkakaroon ng actual demo at hands-on experience na kung saan mismo ang mga participants ang gagawa ng mga kakanin tulad ng puto flan, inutak, palitaw, puto, espasol, buchi, maja blanca, biko, pichi-pichi, halayang ubi, kutsinta, puto pao, puto, minoron, tupig, binagol, kalamay, nilupak, suman sa lihiya, suman sa ibos at marami pang iba.
Kabilang din sa mga paksang tatalakayin ay ang sourcing of materials, costing, marketing strategy, at mga detalyeng dapat na malaman kung nais mong mag-venture sa negosyong kakanin.
Para sa reservation, tumawag sa 3433-98-14; 7587-47-46; 09276414006 at 0947-288-8719 o mag log on sa facebook.com/GTSDP at instagram. Gayon din ang website na www.GoldenTreasureSkills.ph