^

Metro

Marikina handa na sa Todos los Santos

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Marikina handa na sa Todos los Santos
Sinabi ng alkalde na tatlong linggo pa bago ang Undas ay sinimulan na nila ang paghahanda para sa All Saints’ at All Souls’ Day.
Michael Varcas

MANILA,Philippines — Handa na ang seguridad na ipatutupad ng Marikina City Govern­ment sa limang sementeryo sa kanilang lungsod, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan na magtutungo roon ngayong Undas.

Pinangunahan pa mismo ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang pag-i-inspeksiyon sa Loyola Memorial Park, Barangka Municipal Cemetery, Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery, at Our Lady of Abandoned (OLA) upang matiyak na malinis at nakumpuni na ang mga ito para na rin sa inaasahang pag­dagsa ng mga mamamayan na bibisita sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sinabi ng alkalde na tatlong linggo pa bago ang Undas ay sinimulan na nila ang paghahanda para sa All Saints’ at All Souls’ Day.

Aniya, bumuo sila ng “Oplan Undas” Task Force na pinamumunuan ni Councilor Manny Sarmiento, at binubuo ng mga miyembro mula sa Marikina City Police, Office of Public Safety and Security (OPSS), City Health Department, City Disas­ter Risk Reduction and Management Office -Marikina Rescue 161, Bureau of Fire Protection, barangay officials at iba pang concerned departments na siyang magbabantay sa mga sementeryo.

Bukod aniya sa ipagkakaloob na seguridad ng mga pulis sa mga sementeryo at iba pang vital installations sa lungsod, ay naghanda na rin sila ng traffic rerouting schemes upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Pinaalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng sementeryo, gaya ng baril o armas, patalim at iba pang bladed weapons, nakalalasing na inumin, gambling paraphernalia, at loudspeakers.

TODOS LOS SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with