^

Metro

‘Pera sa Basura Program’ sa Maynila, umarangkada na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
âPera sa Basura Programâ sa Maynila, umarangkada na
Kamakalawa ay pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna, katuwang ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), at tatlong malalaking kompanya sa bansa, ang paglulunsad ng incentivized waste collection program na pinamagatang, “Kolek, Kilo, Kita para sa Walastik na Maynila” na ginanap sa Balut, Tondo, Manila.
Joven Cagande

MANILA,Philippines — Umarangkada na ang “Pera sa Basura Program” ni Manila Mayor Isko Moreno na solusyon sa problema sa basura, polusyon, at pati na rin sa kalinisan sa Pasig River.

Kamakalawa ay pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna, katuwang ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), at tatlong malalaking kompanya sa bansa, ang paglulunsad ng incentivized waste collection program na pinamagatang, “Kolek, Kilo, Kita para sa Walastik na Maynila” na ginanap sa Balut, Tondo, Manila.

Ang programang ito ay naglalayong magkaisa ang mga residente, lokal na pamahalaan, at mga pribadong kompanya na pangalagaan at mapa­natiling malinis ang kapaligiran.

Sinabi ni Lacuna na hinihikayat nila ang mga residente na kolektahin ang mga plastic na kada kilo ay may katumbas na P10.00 halaga na maaa­ring maipagpalit ng home products.

Ang ‘collection center’ ay ilalagay sa mga barangay at kokolektahin isa o dalawang beses sa isang buwan.

PERA SA BASURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with