MANILA,Philippines — Ipinakita ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang suporta sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community nang pinturahan ng rainbow ang pedestrian lane sa tabi ng city hall.
“Pinangako ko sa LGBT society that we just want to show you in our own little way how sensitive we are with your plight,” ani Moreno.
Ayon kay Moreno, nais niyang malaman at maramdaman ng LGBT na tanggap sila ng lipunan at sa mga polisiya ng pamahalaan.
Aniya ang lahat ay dapat pantay -pantay at walang nilalamangan o inaapakan.
Plano ni Moreno na dagdagan ang mga rainbow pedestrian lanes sa lungsod.
Sinabi ni Moreno na pangako niya ito sa LGBT community at titiyakin niyang maidaos ang “biggest mardi gras parade” sa Maynila.