16 natatanging Pinoy, kinilala sa Manuel Quezon Gawad Parangal ng Quezon City
MANILA,Philippines — Binigyang pagkilala ng Quezon City government ang may 16 na indibiduwal na nakapagbigay ng tulong sa pag-unlad ng lungsod kaalinsabay ng pagdiriwang sa ika- 80 taong foundation anniversary ng QC.
Ang Manuel Quezon Gawad Parangal ay pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.
Ilan sa mga tumanggap ng parangal ay sina Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao, ex-Rep. Gloria Arroyo, Chief Justice Lucas Bersamin, Senate President Tito Sotto, Sen. Manny Villar, General Guillermo Eleazar, DOTR Secretary Arthur Tugade at ilan pang mga kilalang personalidad sa negosyo, academe at iba pa.
Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Belmonte na ang mga nabigyan ng parangal ay mga natatanging indibidwal na tumulong para magtagumpay at magkaroon ng pagbabago ang QC.
Nanawagan din si Belmonte sa mga empleyado ng QC hall na magkapitbisig at patuloy na maging masigasig sa pagtatrabaho upang makamit ang isang progresibo at maunlad na lungsod.
- Latest