MANILA,Philippines — Maraming engineer, scientist at mathematician ang huhubugin ng lungsod ng Maynila.
Ito ang paniniwala ni Manila Mayor Isko Moreno bunsod ng mga donasyon ng iba’t-ibang sektor, kompanya at bansa sa mga estudyante ng Maynila.
Ayon kay Moreno aabot sa P1.6-milyon halaga ng STEM toys ang ibinigay ng Grolliers mula sa British Embassy sa pangunguna ni Colin Simonds para sa mga public schools na bilang paghahanda sa kanilang pipiliing strand sa senior high.
Sinabi ni Moreno, hindi malayong dumami ang mga engineers scientist at mathematecian sa paggamit ng STEM toys habang nasa elementarya pa lamang dahil hinuhubog na nito ang kaalaman at pagiging malikhain ng isang estudyante.
Ang STEM toys ay laruan na tulad ng kinalakihang Lego ng mga bata.
Binigyan diin naman ni Brian Maralit, General Manager ng Grolliers Philippines, na layon ng kanilang kompanya na hubugin at hikayatin ang mga mag-aaral na ilabas ang kanilang pagiging creative habang bata pa.