^

Metro

Mas mataas na burial assistance sa Quezon City, aprub na!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na ngayon problema ang gastos sa pagpapalibing sa mga namayapa sa Quezon City.

Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council ang ordinansang isinulong ni QC district 5 Councilor Allan Butch Francisco na naglalaan ng mas mataas na halaga ng libreng disenteng funeral services para sa mga yumaong  mahal sa buhay sa lungsod.

Sa ilalim ng napagtibay na ordinansa, pagkakalooban ng burial assistance na umaabot sa P25,000 ang namatayan mula sa dating P10,000 na naipagkakaloob para dito ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Francisco na tutugunan ng ordinansa ang pangangailangan ng mga mahihirap na residente ng QC  sa panahon ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay .

Anya ang pagkamatay ng miyembro ng pamilya ay may kaakibat na malaking gastusin kayat sa pamamagitan ng ordinansa ay masusustinahan na ang kanilang pangangailangan para balikatin ang gastos sa pagpapali­bing ng namayapang kaanak.

Kabilang sa libreng serbisyo sa libing ay ang embalsamo, kabaong, at libreng paglilibing sa city-owned cemetery ng QC.

Ang naturang programa ay pangangasiwaan ng Social Services at Development Department (SSDD) ng Que­zon City.

Ang ordinansa ay bahagi ng plano ni QC Mayor Joy Belmonte na maitaas ang burial assistance para sa mga namayapang tagalungsod upang mapunan ang pangangailangan sa pondo ng mga naiwang kaanak para dito.

BURIAL ASSISTANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with