^

Metro

2 todas sa riot sa Manila City Jail

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 todas sa riot sa Manila City Jail
Ginagamot sa infirmary area ng Bureau of Jail Management ang ilan sa mga nasugatan sa riot sa Manila City Jail kahapon.
Kuha ni Edd Gumban

Mahigit 30 PDL sugatan

MANILA, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay habang mahigit 30 person deprived of liberty (PDL) ang nasugatan nang sumiklab ang riot ng magkalabang grupo ng Batang City Jail (BCJ) at Sigue-sigue Sputnik Gang sa loob ng Manila City Jail sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang dalawang PDL na sina Lito Escala, 39-anyos, residente ng no. 1321 Alinyan st., Moriones, Tondo at Alvin Royo, 37, ng no. 1165 Panganiban st., . Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa tagapagsalita ng MCJ na si Jail Senior Insp. Jayrex Bustinera, siyam ang agad isinugod sa JRMMC dahil sa malubhang mga sugat kung saan kinumpirma ng pagamutan na dalawa ang agad binawian ng buhay.

Nasa 25 naman ang ginagamot sa Infirmary  Clinic ng MCJ.

Dakong alas-6:28 ng umaga nang magsimula ang rambulan ng Sigue-sigue Sputnik Gang at (BCJ) sa loob ng Dormitory 11 at 12, kung saan nakapiit ang mga bilanggong kasapi ng iba’t ibang grupo.

Nag-ugat lamang umano ang pagtatalo sa higaan ng dalawang inmate na magkaiba ang grupo sa loob ng nasabing selda na naging dahilan upang magsanib-pwersa ang magkakagrupo.

Wala naman umanong ginamit na armas o patalim kungdi suntukan at paluan lamang ang riot na nagtagal lang ng mahigit 10 minuto dahil sa pag-awat ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang ibang hindi sangkot sa gulo ay ibinalik muna sa kanilang mga selda at naantala rin ang pagsisilbi ng kanilang tanghalian.

Agad namang pinulong ni  Jail Supt. Randel H. Latoza, City Jail Warden, ang mga lider ng bawat dormitory upang malaman ang puno’t dulo ng away.

Sinabi naman ni  J/Inspector  Nelmar Malemata ng MCJ, napansin nila na maiinit ang ulo ng inmates nang pumutok ang kontrobersiyal na  Good Conduct Time Allowance (CGCTA) kaya naudlot ang paglaya ng ilan.

Pansamantala ring ipinahinto ang pagpasok ng mga dalaw na pinayagan na ring makapasok  bandang alas 2:00 ng hapon.

vuukle comment

MANILA CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with