MANILA, Philippines — Labis na kasiyahan ang nakita sa mga mukha ng mahigit isang libong nakapanood ng libre sa kauna-unahang world-class concert ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) sa Kartilya ng Katipunan, sa Bonifacio Shrine, kamakalawa ng gabi.
Ikinatuwa rin ni Manila Mayor Isko Moreno na kabilang sa nag-enjoy sa show ang pagdagsa ng mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan, mga empleyado ng pampubliko at pribadong kompanya, mga mamamahayag at ilang pulitiko kabilang si dating Manila Mayor at kasalukuyang kinatawan ng Buhay party-list Lito Atienza, at mga namamasyal.
Kahit aniya, siya (Moreno) ay hindi pa na-experience na makapanood ng Philharmonic concert na may presyo dahil sa pagiging ‘world class’.
Laking pasasalamat niya sa pagkakaloob ng grupo ng libreng orchestra show dahil nakaranas ang mga Manilenyo, lalo na ang less privileged sa tulad na performance ng libre.
Inorganisa ang nasabing concert sa pagitan ng PPO/Cultural Center of the Philippines at Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB).