^

Metro

Estudyante sa Maynila, namatay sa diphtheria-MHD

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Estudyante sa Maynila, namatay sa diphtheria-MHD
Pinagsuot ng face mask ang mga kaklase ng nasa­wing pupil sa Jacinto Zamora Elementary School sa hinalang diphtheria virus.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines – Isang 10-taong gulang na pupil  sa Zamora Elementary School sa Pandacan, Maynila ang namatay sa hinalang sakit na diphtheria.

Ang diphtheria ay isang sakit na dulot ng impeksyon ng bacteria sa lining sa loob ng ilong at lalamunan. Ang pasyenteng dinapuan nito ay makararanas ng pananakit at pamamaga ng lalamunan o sore throat, lagnat at panghihina.

Kinilala ni Dr. Arnold Pangan, ang pinuno ng  Manila Health Department head, Dr. Arnold Pangan ang biktima na si Stepha­nie Merillo Tolibas.

Nabatid sa nurse ng eskuwelahan na si Josefina de Guzman, na alas-8:00 ng umaga noong Biyernes, Setyembre 20, namatay ang biktima.

Sinelyuhan aniyang mabuti ang bangkay at kabaong ng bata dahil sa hinihinalang diphtheria ang naging karamdaman.

Binigyan na rin ng prophylaxis at pinagsuot ng face masks ang mga classmate ng bata at mga nakasalamuha, habang ang buong eskuwelahan  ay  nilinis din at dinisinfect. Maging ang pamilya ng bata ay binigyan na rin ng mga gamot. 

Aminado naman ang mga magulang ng bata  na ang biktima ay walang immunization mula pa noong ipanganak.

Sa ngayon ay naghihintay pa ng resulta ng imbestigasyon ang Manila Health Department mula sa RITM.

DIPHTHERIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with