60-day deadline, matutugunan ng Quezon City - Mayor Joy Belmonte
MANILA, Philippines – Kampante si Quezon City Mayor Joy Belmonte na matutugunan nila ang 60-day deadline na itinakda ng Department of Local Government (DILG) sa LGUs para linisin ang mga kalye at bangketa.
Ito ay sinabi ni Belmonte nang mag-ikot siya kahapon sa mga lugar sa Brgy. Holy Spirit para bisitahin ang mga residente na kusang loob na nagiba ng kanilang mga istraktura na nakahambalang sa bangketa.
Ikinatuwa ni Belmonte ang pagkukusa ng mga residente roon na nagsagawa ng self-demolition bilang suporta sa ginagawang clearing operation ng lokal na pamahalaan sa mga illegal structures sa mga kalsada.
Sinabi nito na sa ngayon ay 85 percent cleared na ang primary, secondary at mabuhay lanes sa QC.
Anya, kahit matapos na ang deadline hinggil sa pagwawalis sa mga ilegal na istraktura sa mga kalsada at bangketa ay hindi sila titigil para matiyak na wala ng illegal structures na makikita sa mga lansangan.
Samantala, iniulat din ni Belmonte na may nailaang P10 milyong budget ang QC government para sa mga mag susurender ng mga may sakit na baboy mula sa 1 km affected area.
Patuloy anya ang pagmomonitor ng City veterinary office para matiyak na hindi na lalawak pa ang lugar na may pag usbong ng African Swine Fever (ASF).
Sa ngayon, tanging ang barangay bagong silangan lamang ang may mga kaso ng ASF sa QC.
- Latest