Mag-ina,1 pang paslit patay sa sunog sa Tondo

MANILA, Philippines – Tatlo katao, kabilang ang mag-ina at isa pang paslit ang natusta sa sunog na naganap sa kanilang bahay sa H. Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasa-wi na sina Mara Beneza, 23, anak na si Leo Lance Tequillo, 4 at pinsan nitong si Andrei Tequillo, 5, pawang residente ng H. Blvd., Ga-galangin, Tondo.
Sugatan na nagtamo ng second degree burns sa kanang kamay si Lianlyn Tequillo, 7 at Ashley Tequillo, 9, na nahiwa sa kanang hita at nagtamo pa ng 1st degree burn sa siko.
Sa inisyal na ulat ni Fire Lieutenant John Joseph Ja-lique, ground commander, nagsimula ang sunog sa bahay ng mga nasawi dakong alas-6:17 ng umaga na umabot lamang sa ika-lawang alarma at idinekla-rang fire-out dakong alas- 6:55 ng umaga kahapon.
Sa imbestigasyon ni SFO2 Louis Evio, ang pinagmulan ng apoy ay sa bahay na pag-aari ng isang Lilia Tequillo kung saan nadamay ang nasa 10 pang kabaha-yan at nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Sa ikalawang palapag ng two-storey residential house na yari lamang sa light materials nakatira ang mga nasawi kung saan sila na-trap sa ground floor nakitang magkayap ang mag-inang sina Mara at Leo Lance.
Pinaniniwalaang dahil sa yari sa kahoy ang sahig ay nag-collapse ito at nahulog sa ground floor ang mga biktima.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog na nakapinsala sa tinatayang P50,000 halaga ng ari-arian.
Pinag-aaralan din ang isyu na pinalalayas na ang mga nakatira sa nasabing lugar dahil pawang squatter o informal settlers ang mga ito.
- Latest