MANILA, Philippines — Nagsagawa ng clean-up drive ang Sangguniang Kabataan ng Maynila kung saan pilot area ang kahabaan ng Moriones st. mula Juan Luna patungong Asuncion st. sa lungsod
Alas-6:30 ng umaga nang simulan ng SK sa pangunguna ni SK Federation President at Councilor Dave Tan ang pagwawalis sa kalsada.
Ayon kay Tan, suportado nila ang proyekto ni Manila Mayor Isko Moreno na panatilihing malinis ang kalye alinsunod na rin sa kautusan ni Interior and Local Government Secretary Año.
Sinabi ni Tan na lingguhan ang kanilang isasagawang clean-up hanggang masuyod at malinis ang lahat ng lugar sa lungsod. Umaabot naman sa 50 sako ng basura ang nakuha.
Giit ni Tan, kailangan ang partisipasyon ng mga SK at kabataan sa mga programa at proyekto ng city government partikular sa clean-up at clearing operation. Kasabay nito nagpatak din ng anti-dengue tablet sa mga kanal na posibleng pamugaran mga lamok.