Sunog sa Maynila: 3 patay
MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang matandang babae at dalawang paslit sa sunog na naganap sa isang residential area sa Paco, Maynila, kahapon ng hapon.
Pawang natusta ang mga biktimang kinilalang sina Veronica Lopez, 74; Jamila Erich Miranda, 2; at Don France Anco, 7, magkaka-anak at residente sa isa sa dalawang bahay na natupok sa Cristobal St., Paco, Maynila.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang magsimula ang apoy sa mismong bahay ng mga biktima at nadamay ang katabing bahay.
Umakyat lamang sa unang alarma ang sunog na tumupok sa magkatabing four-storey apartment na tinitirhan ng nasa 11 pamilya.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari para matukoy kung ano ang sanhi ng sunog at magkano ang napinsalang ari-arian.
- Latest