^

Metro

7 LGUs sa Metro Manila, wala ng obstruction sa kalsada - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila ang nakatugon na sa 60-day deadline na paglilinis sa mga kalsada at bangketa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang pitong LGUs na nagreport ng 100% compliance ay ang Marikina City, Pasay City, Navotas City, Malabon City, Valenzuela City, Pateros at San Juan City.

Sa presscon kahapon, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na tiwala siya na makakatugon ang iba pang LGUs sa direktiba ng ahensiya.

Binigyang-halimbawa nito ang Quezon City na may malawak na lugar pero nakikita ang pagpupursige ng LGU para tugunan ang problema.

Nakitaan rin na may accomplishment ang LGU lalo na ang pagpapatupad ng “bayanihan sa lansangan”.

Sa mga lalawigan naman ay unti-unti na ring nakitaan ng pag-comply ang mga LGUs.

Paglilinaw pa ng kalihim, mas kaunti ang problema sa mga lalawigan kumpara sa Metro Manila.

Base sa datos ng DILG, as of September 3, 2019, kabuuang 139,959 meters of roads at 52,831 meters of sidewalks sa Metro Manila na may obstructions at illegal structures ang nalinis na.

Habang nasa 1,444 illegal vendors, 49 na jeepneys, tricycles at pedicab terminals, 1,292 illegally parked vehicles at 813 iba pang obstructions sa daan ang natanggal na rin ng mga LGUs. 

 

OBSTRUCTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with