Maynila 43rd sa 60 lungsod sa ‘Safe City Index’

MANILA, Philippines — Pasok ang lungsod ng Maynila sa 60 lungsod sa buong mundo na nasa safe cities index ng economist intelligence unit para sa taong ito.

Ikinatuwa naman ito ni Manila Mayor Isko Moreno na aniya’y indikasyon ito na nakikita na ang unti-unting pagbabago sa lungsod bunsod ng kooperasyon at pakikipagtutulungan ng mga mamamayan at ng kapulisan.

Ayon kay Moreno, mala­king tulong ang 24/7 na ro­ving at police visibility sa mga lugar ng turismo ng lungsod dahil maraming turista at negosyante ang mahihikayat na mamuhununan.

Matatandaan na pasok ang lungsod ng Maynila sa 60 lungsod sa buong mundo na nasa safe cities index ng economist intelligence unit sa taong ito.

Ang nasabing index ng pagiging ligtas ng mga nasabing lungsod ay ibinatay sa digital, infrastructure, health at personal security.

Ang nasabing rank ng Maynila ay maituturing pang pag-usad o improvement mula sa 2017 edition ng safe cities index kung saan nasa 55th rank noon ang lungsod.

Show comments