Mga babaeng bilanggo, tuturuang kumita sa loob ng selda – Mayor Joy
MANILA, Philippines — Tuturuang kumita sa loob ng Camp Karingal sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, oras na makalipat na sa kanilang bagong gusali ang mga female inmates, agad bibigyan ng kaalaman ang mga itong manahi para kumita habang nasa loob ng kanilang selda.
“Once the inmates from our female dormitory in Camp Karingal move into their new building, we will train them to join our pool of sewers and help them earn an income,”sabi ni Belmonte.
Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang bisitahin ang kanilang booth ng business partner niyang si Looie Lobregat na Linea Etnika line na nagbebenta ng mga quality Filipino craftsmanship sa Arte Fino fair sa Rockwell hanggang sa linggo.
“ Thank God when you’re an advocate of something, profits are secondary; fulfillment comes when we are able to convince people to support local artisans and preserve dying indigenous textile industries. With this type of advocacy, local sewers earn a living from manufacturing these products for us,” dagdag ni Belmonte.
Ang inmates sa Female Dormitory ay takdang ilipat bago matapos ang taong ito sa mas malawak na gusali sa loob din ng Kampo Karingal.
- Latest