MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paggunita ng lokal na pamahalaan sa kabayanihan ng yumaong Senador Benigno S. Aquino Jr. kahapon sa Ninoy Aquino statue sa Quezon Avenue sa lungsod.
Sa kanyang talumpati, nanawagan si Belmonte sa publiko na alalahanin ang naging papel ni Aquino sa pagkakaroon ng kapayapaan at demokrasya dahil sa matinding pagmamahal sa ating bansa.
“May we find it in our hearts to do public service the way he did and protect the democracy earned for and handed down to us,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Nag-alay din ng bulak-lak sa istatwa ni Aquino ang mga opisyal ng QC government sa pangunguna ni Belmonte.
“Hanggang sa araw na ito ay pinapahanga ako ni Ninoy. Nagsisilbi siyang inspirasyon ko sa pagiging lider na totoong maglilingkod at magbi-bigay lakas at boses sa mamamayan sa pamamagitan ng good governance, 36 years ago, Ninoy died courageously in the name of people’s rights and freedom. May Ninoy’s selfless deed make us, public servants, realize democracy’s fullest meaning for our people,” dagdag ni Belmonte.