^

Metro

Mayor Joy nanguna sa paggunita sa death anniversary ni Ninoy sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy nanguna sa paggunita sa death anniversary ni Ninoy sa Quezon City
Si QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto kasama ang iba pang opisyal sa lungsod na nanguna sa paggunita sa ika-36 death anniversary ni Ninoy Aquino sa Ninoy Aquino Monument sa Quezon Avenue sa panulukan ng Timog Ave­nue sa lungsod.

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paggunita ng lokal na pamahalaan sa kabayanihan ng yumaong Senador Benigno S. Aquino Jr. kahapon  sa Ninoy Aquino statue sa Quezon Avenue sa lungsod.

Sa kanyang talumpati, nanawagan si Belmonte sa publiko na alalahanin ang naging papel ni Aquino sa pagkakaroon ng kapayapaan at demokrasya dahil sa  matinding pagmamahal sa ating bansa.

“May we find it in our hearts to do public service the way he did and protect the democracy earned for and handed down to us,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Nag-alay din ng bulak-lak sa istatwa ni Aquino   ang mga opisyal ng QC government sa pangungu­na ni Belmonte.

“Hanggang sa araw na ito ay pinapahanga ako ni Ninoy. Nagsisilbi siyang inspirasyon ko sa pagiging lider na totoong maglilingkod at magbi-bigay lakas at boses sa ma­mamayan sa pamama­gitan ng good governance, 36 years ago, Ninoy died courageously in the name of people’s rights and freedom. May Ninoy’s selfless deed make us, public servants, realize democracy’s fullest meaning for our people,” dagdag ni Belmonte.

 

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with