MANILA, Philippines — Tinanghal na Best Police District sa Metro Manila ang Quezon City Police District (QCPD). Sa ginanap na 118th Police Service Anniversary ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon ay humakot ng 14 parangal at pagkilala ang QCPD sa ilalim ng pamumuno ni Dir. P/Brig. General Joselito Esquivel Jr.
Bukod sa pagiging Best Police District ay nakuha rin ng QCPD ang mga awards bilang Highest Performance Rating, Most Number of Surrenderers, Most Number of Arrested Violators ng City Ordinance, PCP 2 Fairview Police Station (PS 5) bilang Best Police Community Precinct, Best District Mobile Force Battalion, Best District for Accomplishment in Project Double Barrel, Novaliches Police Station (PS 4) bilang Best Numbered Police Station for Accomplishment in Project District Level, at Eastwood Police Station (PS 12) bilang Most Number ng Cleared Barangay District Level. Bukod pa rito ang mga individual category award.
Ang pagbibigay ng award sa QCPD ay pinangunahan ni Philippine National Police Chief, Gen. Oscar Albayalde bilang Guest of Honor at Speaker.
Taos-puso namang nagpasalamat si Gen. Esquivel sa mga opisyal at tauhan ng QCPD sa kanilang concerted efforts sa lahat ng operation at administrative aspects kaya nakamit nila ang nasabing mga award at pagkilala. (Danilo Garcia)