‘Public Notice’ ng US Homeland Security sa NAIA, binawi na

Sa ipinalabas na pahayag ng US-DHS, gumawa ang gobyerno ng Pilipinas ng makabuhulan pagbabago sa security operations nito sa NAIA dahil ipinakita ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at iba’t ibang civil aviation security authorities ang layuning magawa ang mga pagbabago rito.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Matapos ang halos isang taon, binawi na ng United States Department of Homeland Security (US-DHS) ang ‘Public Notice’ nito kaugnay sa security conditions sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na inilabas nila noong December 27, 2018.

Sa ipinalabas na pahayag ng US-DHS, gumawa ang gobyerno ng Pilipinas ng  makabuhulan pagbabago sa security operations nito sa NAIA dahil ipinakita ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at iba’t ibang civil aviation security authorities ang layuning magawa ang mga pagbabago rito.

Ang magandang balita ay ipinaabot kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade mismo ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Nabatid na pumasa ang NAIA sa dalawang sunud-sunod na pagsusuri ng US Transportation Security Administration (TSA) noong March at May 2019. Kabilang sa tinignan ng TSA ang updated na NAIA Security Plan and National Civil Aviation Security Program, bagong security screening standard operating procedures, alarm system ng mga access doors at paggamit ng bagong screening equipment.

Show comments