^

Metro

Lolo kalaboso sa pamboboso

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lolo ang inaresto ng mga otoridad matapos ireklamo ng pamboboso ng kanyang tenant sa pinauupahang bahay sa pamamagitan ng pagkuha ng mga video sa Sampaloc, Maynila.

Himas-rehas at nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang suspek na si Noe Nodalo, 69, may-ari ng bahay na inuupahan ng biktima na ‘di na pinangalanan na matatagpuan sa 157 B4 Manuel Dela Fuente St., Sampaloc, Manila.

Batay sa reklamo ng biktima, walong buwan na siyang umuupa sa bahay ng suspek at nitong Linggo lamang niya madiskubre ang hidden ca­mera sa likod ng wall clock na nasa loob ng CR.

Kaya agad niya itong ini-report sa barangay na nag­resulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Ayon kay Police Corporal Maridel Sunga ng Wo­men’s and Children’s desk ng Sampaloc Police, nasa 15 babae ang naging biktima ng matanda makaraang mapanood ang mga video na nakuha mula sa suspek.

ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT OF 2009

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with