^

Metro

Totoy hulog sa Makati City Hall building

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang ‘di pa nakikilalang batang lalaki makaraang mahulog buhat sa ‘di pa nababatid na palapag ng gusali ng Makati City Hall, kamakalawa ng gabi.

Patuloy na inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng 10 hanggang 15 taong gulang.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Building 2 ng Makati City Hall na nasa F. Zobel St. Brgy. Poblacion. 

Makaraang matanggap ang ulat, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Makati Police at inabutan ang biktima na isinusugod na ng mga tauhan ng Makati City Rescue Unit sa kanilang ambulansya sa Ospital ng Makati.

Blangko pa naman ang mga pulis sa buong pangyayari kung paano nalaglag ang batang lalaki at kung saang palapag ng gusali.

Nagtamo ng matitinding pinsala sa kanyang katawan ang biktima na isinasailalim sa iba’t-ibang medical procedures para mailigtas siya sa kapahamakan.

MAKATI CITY HALL BUILDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with