Kasong kriminal vs WellMed ibinasura ng QC Court

Ito ay makaraang paboran ng QC Regional Trial Court Branch 219 ang motion to quash na naisampa ng WellMed co-owner Dr. Bryan Sy kaugnay ng 17 counts ng complex crime ng estafa sa pamamagitan ng paggamit ng pinekeng public document na naisampa ng National Bureau of Investigation (NBI) at PhilHealth laban kay Sy at whistleblowers na sina Leizel Aileen De Leon, Edwin Roberto at iba pang hindi nakikilalang indibiduwal.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Quezon City court ang kasong kriminal na naisampa laban sa may-ari at incorporators ng WellMed Dialysis Center na may kinalaman sa umano’y Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) fraudulent claims.

Ito ay makaraang paboran ng QC Regional Trial Court Branch 219  ang motion to  quash na naisampa ng  WellMed co-owner Dr. Bryan Sy kaugnay ng  17 counts ng  complex crime ng  estafa  sa pamamagitan ng paggamit ng pinekeng public document na naisampa  ng  National Bureau of Investigation (NBI) at PhilHealth  laban kay Sy at  whistleblowers na sina  Leizel Aileen De Leon, Edwin Roberto at iba pang hindi nakikilalang indibiduwal.

“These cases are dismissed for lack of jurisdiction over the offenses charged, without prejudice to refiling before the Metro­politan Trial Court,” nakasaad sa naipalabas na resolusyon kahapon ni QC RTC Banch 219 Judge Janet Abergos-Samar.

Binigyang diin ng korte na bagama’t ang halaga na sinasabing naloko sa PhilHealth ay mula lamang sa P5,200 hanggang  P39,000, ang  maximum imposable penalty ng estafa ng private individual sa ilalim ng  Revised Penal Code  ay may hanggang 6  six years imprisonment.

Ayon kay Abergos-Samar , ang kaso ay dapat naisampa sa Metropolitan Trial Court  at hindi sa RTC dahil ang penalty ng kaso ay hanggang 6 na taon lamang.

Niliwanag naman ni Judge Abergos-Samar  na ang kasong kriminal ay dinismis niya hindi dahil inosente ang mga akusado kundi nagkamali lamang ng venue sa  filing ng kaso laban sa mga ito.

Wala anya sa jurisdiction ng RTC ang kaso kundi nasa hurisdiksiyon ito ng MTC para dinggin at  desisyunan. Ang kaso anya ay maaari pang maisampa sa tamang korte.

Magugunitang noong  June 14, 2019, kinasuhan ng kriminal sa RTC si Sy makaraang sabihin ng whistleblowers  na inutusan lamang sila ni Sy na ihanda ang PhilHealth forms at pekehen umano ang mga dokumento para makakubra ng claim sa Philhealth ang mga namatay ng  pasyente na sinasabing nag-avail ng dialysis sessions sa WellMed Dialysis Center.

Show comments