^

Metro

2 tinedyer tumakas sa checkpoint, timbog sa mga pakete ng marijuana

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 tinedyer tumakas sa  checkpoint, timbog sa  mga pakete ng marijuana
Nakilala ang mga inaresto na sina Shiela Sumang, 18, at isang 16-anyos na binatilyo na itinago sa alyas na Bren.

MANILA, Philippines — Bukod  sa mga sugat na tinamo  sa pagkakabundol ng kanilang motorsiklo, bumagsak din sa istasyon ng pulisya ang dalawang tinedyer nang mahulihan sila ng 12 pakete ng marijuana na dahilan para tangkain nilang takasan ang isang police checkpoint, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga inaresto na sina Shiela Sumang, 18, at isang 16-anyos na binatilyo na itinago sa alyas na Bren.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-9:20 nang tangkaing parahin ng mga pulis sa isang checkpoint sa may kanto ng A. Mabini Street at Marcela Street sa Brgy. 126 ang isang Mio type scooter na minamaneho ni Bren.

Sa halip na huminto, pinaharurot ng suspek ang scooter at biglang nag-U-turn ngunit nabundol naman sila ng isa pang motorsiklo dahilan ng kanilang pagsemplang. Kahit na iika-ika, tinangka pa ring tumakas ng dalawa ngunit dito na sila nasakote ng mga humabol na sina P/Cpl. Miguel Palowan at Ram Jorge Venturina.

Nang inspeksyunin ang mga suspek, nadiskubre sa loob ng isang malaking plastic bag na bitbit ni Bren ang 12 zip locked plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

ILLEGAL DRUGS

MARIJUANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with