Vendors sa Baclaran nagrali

MANILA, Philippines — Habang ginagawan ng pamahalaan ng paraan para malinis ang mga kalsada, nagsagawa naman ng kilos-protesta ang organisasyon ng mga Muslim-Christian Vendors sa Pasay at Para­ñaque City na nananawagan ng maayos na relokasyon.

Alas-10 ng umaga nang magsagawa ng kilos-protesta ang nasa 50 mga vendors na may bitbit na mga placards.

Diretsong nanawagan ang Pasay Vendors Association kay Pangulong ­Rodrigo Duterte na bigyan sila ng tamang lugar para patuloy na makapagtinda makaraang pagbawalan na sila na bumalandra sa mga kalsada sa paligid ng Baclaran Church na pinupuwestuhan nila ng ilang dekada na.

Kasama sa katwiran ng mga vendors na ilan umano sa kanila ay galing sa Marawi City na binomba ng pamahalaan kaya hindi sila makabalik doon habang nawalan na ng hanapbuhay sa pagtitinda dahil sa paghihigpit ng pamahalaan.

Payag naman umano sila na disiplinahin ang kanilang mga kasamahan ngunit iginiit na payagan silang makapagtinda sa mga bangketa.

 Kasalukuyang maluwag ngayon ang mga kalsada ng Redemp­torist Road, Service Road ng Coatal Road at Taft Avenue makaraan ang kautusan ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa mga lokal na pamahalaan na tanggalin lahat ng obstruksyon sa mga kalsada.

Show comments