Laban sa krimen
MANILA, Philippines — Pinuri ng National Police Commission (Napolcom) si dating Manila Mayor Joseph Estrada sa epektibong police-people partnership simula Hunyo 2017 hanggang Hunyo 2019.
Sa ginanap na culmination ng 24th Police Community Relations Month kahapon, na may temang Sambayanan Mahalagang Kaakibat ng Kapulisan sa Pagtaguyod ng Mapayapa at Maunlad na Bayan, kinilala ng Napolcom ang matagumpay na kampanya ni Estrada sa Community and Service Oriented Policing ( CSOP) system na nagresulta sa pagbaba ng krimen sa lungsod.
“As you know, the CSOP system is being pursued by the National Police Commision and Phililippine National Police to strengthen the police-people partnership and enhance the system of coordination and cooperation among the citizenry, local executives and integrated law enforcement and public safety agencies for the effective delivery of basic services to the community. Congratulations and thank you for supporting Napolcom crime prevention program, “nakasaad sa liham ni Napolcom vice chairman Atty Rogelio Casurao kay Estrada.
Ayon naman kay Estrada, ang tagumpay na iyon ay dahil sa galing ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na walang pagod sa pagtupad ng kanilang tungkulin kaya bumaba ang krimen sa Maynila.