Bagong iskedyul ng biyahe ng LRT-1, inilabas

Ayon sa LRT-1, ang bagong oras ng hu­ling biyahe ng tren mula Roosevelt Station sa Quezon City, ay 9:45 ng gabi, samantalang sa Baclaran Station naman ay 9:30 ng gabi.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inilabas ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang implementasyon ng bagong iskedyul ng biyahe ng kanilang mga tren na magsisimula ngayong araw ng Lunes.

Ayon sa LRT-1, ang bagong oras ng hu­ling biyahe ng tren mula Roosevelt Station sa Quezon City, ay 9:45 ng gabi, samantalang sa Baclaran Station naman ay 9:30 ng gabi.

Wala namang pagbabago sa unang biyahe ng parehong istasyon na mananatili pa ring 4:30 ng madaling araw.

Layunin nang pagpapatupad ng bagong iskedyul ay upang bigyang-daan ang system upgrade sa rail line, na isasagawa nila para sa mas mabilis at mas ligtas na biyahe ng kanilang mga pasahero.

Ang LRT-1, na pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ay bumibiyahe sa Roosevelt Avenue Quezon City patungo ng Baclaran, Parañaque City at vice versa.

Show comments