^

Metro

Cosmic Carabao gin ipinagbawal na ng FDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cosmic Carabao gin ipinagbawal na ng FDA
“In light of the developments on the investigation of the Food and Drug Administration (FDA) with regards to the incident involving two (2) women who allegedly consumed ‘Cosmic Carabao Gin’, this Office shall order the seizure and/or confiscation of the product as the samples collected and subjected to FDA analysis were found positive for methanol,” ayon sa ahensya.

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ipinagbawal sa publiko ang pagbebenta ng isang brand ng gin na nakumpirmang nakalalason sa mga umiinom matapos na isailalim sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA) ang laman nito.

“In light of the developments on the investigation of the Food and Drug Administration (FDA) with regards to the incident involving two (2) women who allegedly consumed ‘Cosmic Carabao Gin’, this Office shall order the seizure and/or confiscation of the product as the samples collected and subjected to FDA analysis were found positive for methanol,” ayon sa ahensya.

Ang methanol ay isang kemikal na gina­gamit sa mga industriya, bahay at fuel para sa eroplano.

 Nagkakaroon ng mataas na konsentrasyon ng methanol kapag inihahalo ito sa mga “alcoholic drinks” at nagreresulta ng sakit ng ulo, sakit ng tiyan, pagbilis ng tibok ng puso, kakapusan sa paghinga at maaari ring pagkabulag.

 Nitong Hunyo 30, nakatanggap ang FDA ng ulat ukol sa dalawang babae na nagpakita ng naturang mga sintomas nang uminom ng ‘Cosmic Carabao Gin’ na hindi rehistrado sa ahensya.

 Dahil dito, kinumpiska na ng FDA ang lahat ng Cosmic Carabao Gin sa merkado at hiniling sa lahat ng lokal na pamahalaan na tiyakin na hindi ito maibebenta sa kanilang mga pamilihan.

FOOD AND DRUGS ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with