MANILA, Philippines — Muling tumirik makaraang magkaroon ng mechanical failure ang isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na siyang dahilan para pababain ang sakay nitong 60 pasahero sa area ng Quezon City, kahapon ng umaga.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr-MRT3), nabatid na dakong alas-8:07 ng umaga nang magbaba ng mga pasahero ang tren sa southbound ng Kamuning Station.
Sinabi ng DOTr-MRT3, may kalumaang mechanical components ang dahilan ng aberya.
Kaagad namang nailipat ang mga pasahero sa kasunod na tren, pagkalipas ng apat na minuto.