Walang Metro Mayor na sangkot sa illegal drugs-NCRPO

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon  ni National Capital Regional Police chief P/ Major General Guillermo Eleazar  na walang alkalde sa Metro Manila ang sangkot sa illegal drug trade.

Gayunman, patuloy na minomonitor ng pulisya ang mga lokal na ehekutibo.

“Lahat ng mga batas for implementation ay dapat nating gawin. Kung ‘yung mga palusot or sinasabi na-ting mga illegal drugs and illegal gambling, ire-review natin lahat ‘yan and we will enforce the law to the fullest,” ani Eleazar.

Binigyang diin din ni Eleazar ang importansiya ng magandang koordinasyon sa pagitan ng mga alkalde at pulisya sa NCR.

Samantala, wala pang mayor, bago man o dati, ang humiling na magpatanggal o magpapalit ng kani-kanilang hepe ng pulis.

Ang mga opisyal na nana­lo noong nakaraang halalan ay nanumpa na at nagsimula na ng kanilang termino.

Show comments