92 out-of-school youth at drop-out nagtapos
Sa tulong ni Joy B
MANILA, Philippines — Umaabot sa 92 out-of-school youth at adult learners ang natulungan ni Quezon City Mayor elect Joy Belmonte na makapagtapos ng libreng kurso sa Quezon City Community College (QCCC) katulong ang Ateneo Center for Educational Development (ACED).
Ang mga graduate ay tumanggap ng Certificate of Completion matapos ang 10 buwang pagsasanay sa automotive training, cookery, food at beverage service, welding training, bread at pastry baking.
Pinangunahan ni Belmonte ang okasyon kasama sina ACED Director Carmela Oracion at Quezon City Schools Division Superintendent Dr. Natividad Bayubay.
“There are about 100,000 out-of-school youth in Quezon City. Many of them are not able to go to school because of financial problems and setbacks, then eventually settle for low-paying jobs where they are not able to realize their full potential. QCCC wants to change that,” sinabi ni Belmonte.
Anya, ang QCCC ay nagkakaloob ng libreng edukasyon sa mga taga-lungsod anuman ang kanilang edad, kasarian at estado sa buhay.
Karamihan sa mga benepisyaryo ng programa ay mga batang ina, drop-outs at mga magulang na hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Sa ngayon may tatlong paaralan na sa QC ang nagkakaloob ng libreng edukasyon para sa mga taga-lungsod na nais magtapos ng pag-aaral mula nang ilunsad ni Belmonte ang programa noong September 2016.
- Latest