200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Caloocan, alas-2:13 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa mga bahay sa Brgy. 73 Zone 7.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 200 pamilya ang nawalan ng bahay makaraang lamunin ng isang malaking apoy ang may 50 kabahayan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Caloocan, alas-2:13 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa mga bahay sa  Brgy. 73 Zone 7.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog dakong alas-3:07 ng madaling araw at nadeklarang fire-out dakong alas-5:45 ng madaling araw.

Isang bumbero at limang residente ang nagtamo ng ‘minor injuries’ sa insidente ngunit wala namang naitalang nasawi.

Sa tantiya ng BFP, aabot sa P6 milyon ang halaga ng ari-arian na natupok.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Show comments