MMDA handa na sa implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA

Ito ang inihayag ni MMDA traffic czar Bong Nebrija, kasabay nang pagsasabing naihanda na nila ang lahat para sa pagpapaimplementa sa ban makaraang mainspeksyon na ng LTFRB ang interim terminal sa Valenzuela.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  sa pagpapatupad  sa provincial bus ban sa EDSA dahil na rin sa halos tapos na ang interim bus terminal sa Valenzuela City.

Ito ang inihayag ni MMDA traffic czar Bong Nebrija, kasabay nang pagsasabing  naihanda na nila ang lahat para sa pagpapaimplementa sa ban makaraang mainspeksyon na ng  LTFRB ang interim terminal sa Valenzuela.

“ Ang interim bus terminal sa Valenzuela City ay halos tapos na, bagamat hindi pa 100 porsiyento pero malapit na”, pahayag pa ni Nebrija.

Idinagdag pa nito na ang  terminal ay bubuksan matapos na makapagpalabas ng guidelines ang LTFRB para sa franchise routes ng provincial buses. Nangangahulugan ito na ang ruta ng apektadong mga bus ay iiksi, habang ang ruta ng city buses ay hahaba.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang nila ang ‘go signal’ ng LTFRB at ng DOTr para maipatupad ang bus ban.

Show comments