^

Metro

PNP intel officer, itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP intel officer, itinumba ng tandem
Bumulagta sa tabi ng kanyang motorsiklo si P/Staff Sgt. Fernando Diamzon matapos pagbabarilin ng riding-in tandem sa Boni Avenue sa Brgy. Bagong Lipunan sa Quezon City kahapon ng umaga.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang tauhan ng PNP-Intelligence Group sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue sa Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City kahapon  ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Calliao, hepe ng Cubao Police Station (PS) 7  ng Quezon City Police District (QCPD)   ang nasawing biktima na si P/ Staff Sergeant Fernando Diamzon. 

Si Diamzon ay galing sa Manila Police District (MPD) at kalilipat lamang sa PNP-Intelligence Group (PNP-IG) na nakabase sa Camp Crame.

Bandang alas-8:50 ng umaga nang mangyari ang insidente habang ang biktima ay lulan ng kanyang motorsiklo pauwi na sana sa kanilang bahay sa Tondo, Manila matapos mag-duty.

Nabatid na ang biktima at ang testigong si P/Senior Master Sgt. Ernesto Buenviaje na ka-buddy nito at kasamahan din sa PNP-IG ay magkahiwalay na nagmo-motorsiklo nang umatake ang riding-in-tandem.

 Sa testimonya ni Buenviaje, dinikitan sila ng riding in tandem saka tinarget na paputukan ng anim hanggang pitong beses ang kaibigan bunsod upang sumemplang ang motorsiklong minamaneho nito.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng San Juan City.

Ayon kay Buenviaje, hindi siya nakabunot ng baril para gumanti ng putok dahilan nasa compartment ng kaniyang motorsiklo ang kaniyang baril.

Sinabi ni Calliao na iniimbestigahan na ang motibo ng pamamaslang sa biktima at inaalam kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho.

Sa teorya ng pulisya, sinabi ni Calliao na posibleng natiktikan ang biktima paglabas nito nang Camp Crame kung saan sinundan ito ng mga suspek at nang makakuha ng tiyempo ay pinagbabaril ito. 

AMBUSH

FERNANDO DIAMZON

RIDING IN TANDEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with