^

Metro

Pangmatagalang solusyon sa sunog, itataguyod ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pangmatagalang solusyon sa sunog, itataguyod ni Joy B
Sinabi ni Belmonte na para malutas ang problema hinggil dito kailangan ang kooperasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan sa Meralco upang tukuyin at bawasan ang mga lugar na may faulty electrical wiring.

MANILA, Philippines — Dahil na rin sa sunud-sunod na insidente ng sunog sa Quezon City nitong nakaraang mga linggo, ipinangako ni QC  Mayor-elect Joy Belmonte ang pagpapatupad ng mga pangmatagalang solusyon sa sunog lalo na sa mga kabahayan sa lungsod.

“This year has brought us more big fires than I have ever encountered, and so one of the things I’ll be pushing is more lasting solutions to this perennial problem. Many of the settlements that experienced fire before are also the ones who are affected by the same incident again. Kaya’t kailangan talaga natin hanapin ang mga systemic causes ng mga sunog na ito,” sabi ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na para malutas ang problema hinggil dito kailangan ang   kooperasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan sa Meralco upang tukuyin at bawasan ang mga lugar na may faulty electrical wiring.

“According to data from the Bureau of Fire Protection in QC, 785 out of 1034 cases of fire in the city in 2018 were due to faulty wiring that is prone to overloading. That’s 76% of all fires attributed to electrical wiring,” ani Belmonte. 

Sa pakikipagtulungan sa Meralco, sinabi rin ni Bel­monte na plano niyang magpalagay ng metro sa bawat bahay sa ilalim ng isang electrification program para sa mga mahihirap na komunidad.

Anya, edukasyon din ang isa sa mga solusyong paiigtingin sa lungsod sa ilalim ng malawakang kampanya kontra sunog.

“We’ve identified 43 communities with the most number of fire cases. We’ll focus there first,” ani Belmonte.

Sa kabila nito, naniniwa­la si Belmonte na isang permanenteng solusyon sa mga sunog sa lungsod ay ang paglutas sa problema sa tirahan ng mga informal settler families (ISFs) kung saan dito madalas nagaganap ang sunog.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with